PAHAPYAW nating silipin ang mga nangyayaring kaliwa’t kanang‘anomalya at violation sa National Food Authority-East District Office (NFA-EDO) na kinasasangkutan daw umano ng manager nitong si Mr. Ray Villacorta.
Hindi ko lang alam kung gaano katotoo itong nasagap nating impormasyon.
Totoo man o hindi ang “impo”ay dapat lang maging mapagmasid dito si NFA Administrator Orlan Calayag.
Simula nang maging manager ng NFA-EDO si Villacorta ay nawindang na ang patakaran dito.
Biruin n’yo, hindi pa man nag-iinit ang “wetpu” ni Villacorta sa trono nito ay katakot-takot na raw na violation at katiwalian ang ginagawa nito sa kanyang puwesto.
At sa halip na ang mamang manager na ito ang manguna para ayusin ang mga patakaran sa ahensya ay ang tarantado pang ito ang nangungunang sumisira sa mga patakarang pinaiiral sa nasabing ahensya.
Tingnan n’yo ang kawalanghiyaan ng manager na ito.
Ang isa sa mga patakaran ng NFA ay hindi puwedeng ma-accredit ang isang retailer hangga’t wala pa siyang isang taon na nagiging retailer.
Pero ‘Diyos kong mahabagin’, ibang klase itong si Mgr. Villacorta.
Basta malakas kang maglangis o mag-tongpats sa kanya kahit kahapon ka pa lang nagsimulang maging retailer ay i-aaccredit ka na niya.
Anong patakaran ang pinagsasabi n’yo basta sa NFA ay si Villacorta ang batas!!! (ITUTULOY)
SA WAKAS NA-PROMOTE NA
SA wakas ay inaprubahan na ni Pres. Noynoy Aquino noong April 7 ang rekomendasyong ng PNP para i-promote ng 1star general ang kaibigan kong pulis na si Nap Taas. Si Gen. Taas ang huling West Point graduate sa PNP. Nag-retiro na matapos na marating ang retiring age nito noong 2012. Tanging si Taas lang ang huling West Point graduate na nasa PNP dahil lahat ng graduate ay inilagay sa Philippine Army.
o0o
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com
The post KATAKOT-TAKOT NA ANOMALYA SA NFA-EDO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment