TANGGAP ng kampo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang pasya ng Korte Suprema na ibasura ang kanilang hirit na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pag-usad ng nakakasang kaso sa Ombudsman na may kinalaman sa multi-billion peso pork barrel scam.
Ayon sa abogado ng senador na si Atty. Joel Bodegon, nasa diskresyon ng Korte Suprema ang pagpapasya ng kanilang inihaing petisyon.
Aminado ang kampo ni Revilla na maituturing na kahilingan lamang ang kanilang inihain sa kataas-taasang hukuman at wala silang karapatan na obligahin ang korte na maglabas ng TRO laban sa kaso ng senador sa Ombudsman.
Magugunitang kahapon ay naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ni Revilla sa Ombudsman kaugnay ng kapasyahan ng anti-graft court na ituloy na ang pagsasampa ng kasong plunder at iba pang graft charges sa Sandiganbayan.
Si Revilla ay kasalukuyang nasa Israel para sa dalawang linggong bakasyon kasama ang pamilya na nakatakdang umuwi ng Pilipinas sa Abril 13.
The post Revilla tanggap ang ruling ng SC vs TRO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment