BINALAAN ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang Malakanyang na mag-ingat sa pakikipagnegosasyon sa mga impostor na nagpapakilalang nagmula sa kanilang hanay.
Ito’y sa sandaling ilunsad na ang pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, MNLF at Organization of Islamic Cooperation bilang bahagi pa rin ng pagtatamo ng ganap na kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay Ustadz Pendie Colano, nagpakilalang overall Chairman ng Selatan State Revolutionary Committee, isang sub-wing ng MNLF, hindi kailanman naging miyembro ng MNLF ang nagpapakilalang Chairman ng Central Committee nitong si Datu Abul Khayr Alonto.
Sinabi ni Colano na isang uri ng pagsira sa liderato ng MNLF ang pagtanggap ni Pangulong Noynoy Aquino kay Alonto bilang isa sa mga panelist sa ikinakasang pagpupulong.
Magugunitang itinakda ang pulong noong ika-16 ng Setyembre ng nakalipas na taon ngunit ipinagpaliban ito hanggang sa kasalukuyan.
The post MNLF sub-wing may babala kay PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment