HINIRANG na kampeon si Stephen Rome Pangilinan sa katatapos na 2014 National Age Group Chess Championships na ginanap sa San Antonio, Quezon Province.
Tinulak ni 11-year old Pangilinan ang dalawang sunod na panalo sa rounds 12 at 13 upang ilista ang 10.5 points sa event na may 13-rounds swiss system.
Pinagpag muna ni top seed Pangilinan (elo 2060) si Jeremy Pepito (elo 1907) sa 12th round habang si Sem Canasta (elo1751) ang pinisak nito sa last round.
“Maganda ang laro ko dito sa tournament kaya nag champion ulit ako.” saad ni Pangilinan na nagkampeon sa US tournament noong siya ay anim na taong gulang pa lang.
Solo sa second place si Emanuel Van Paler (elo 1984) na may nalikom na 9.5 points habang tersero puwesto si Lee Roi Palma (elo 1809) bitbit ang 9.0 pts.
Magkasunod na panalo rin ang tinipa sa last two rounds ni Paler (elo1984) para masiguro ang second place.
Giniba ni Paler sa penultimate round si Marc Jason Comendador (elo 1797) at sa last round naman pinagpag si Japheth Aaron Caresosa.
Samantala, inistreyt ni Jerad Docena ang apat na huling laro upang iwanan ang mga katunggali sa puntos at magkamepon sa Boys Under-18.
Pinisak ni Docena (elo 2293) sina Vince Angelo Medina (elo 2143) at Romy Fagon (elo 2058) sa 10th at 11th round bago tinalbos sina Allan Pason (elo 2051) at Paul Robert Evangelista (2096) sa rounds 12 at 13 ayon sa pagkakahilera.
May nalikom na 11.5 puntos si Docena habang si Giovani Mejia na nasa pangalawang puwesto ay nakapahtala ng 9.5 pts.
Nauwi sa draw ang laro ni Mejia (elo 2106) sa last round kontra Allan Pason (elo 2051).
Nasungkit naman ni Christian Nanolo (1993) ang third place ng itarak nito ang 8.0 points matapos suwagin si Romy Fagon (elo 2058).
Sa Boys Under-20, tinalo ni FM Austin Jacob Literatus sa tie-break si FM Paulo Bersamina.
Parehong tumapos ng tig 9.5 points sina Literatus at Bersamina subalit nasungkit ng una ang titulo matapos TB2.
May 0.5 pt. sa TB1 ang dalawa subalit sa TB2 ay nakaungos si Literatus (45.50 pts.) kay Bersamina (44.25 pts.).
The post Pangilinan kampeon sa Boys U-12 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment