INUGA ng magnitude 5.4 na lindol ang karagatan sa bahagi ng Ilocos Norte, kaninang umaga, Abril 28.
Sinabi ng Philippine Atmopsheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA), na alas-8:43 ng umaga nang naitala ang sentro ng lindol sa layong 169 kilometro hilagang kanluran ng Burgos at may lalim na 41 kilometro.
Bagama’t may kalayuan sa kalupaan, nadama pa rin ang intensity II sa Laoag City.
Wala namang naitalang pinsala dahil sa lindol.
The post Ilocos Norte, inuga ng magnitude 5.4 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment