HINDI pa man nag-iinit ang nilagdaang bagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na Enhanced Defense Cooperation Agreement(EDCA) ay kukuwestyunin na ito sa Korte Suprema.
Tiniyak nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate na iaakyat sa SC ang protesta laban sa EDCA at ikinukunsidera na rin ang pag-akyat sa International Court.
Sa balak na paghahain ng kaso sa international court, sinabi nina Colmenares at Zarate na kukunin nila ang suporta ng mga international lawyers para maisulong ang reklamo para sa crime against humanity laban kay Pangulong Aquino at sa US.
Nakababahala ayon kay Colmenares ang tila pagmamadali sa paglagda ngayong umaga sa EDCA para anila magsilbing regalo sa pagdalaw ngayong hapon ni US President Barack Obama.
Giit pa ng mga kongresista na mas malala pa anila sa tratado ng base military ng Amerika at Pilipinas noong 1991 ang pinasok na ito ng gobyerno dahil wala itong konsultasyon sa taumbayan.
Samantala, lantaran naman ang paninisi ni Anakpawis Rep. Ferdnando Hicap kay Pangulong Aquino sa panibagong kasunduan ng Pilipinas US.
Malaki ang paniwala ni Hicap na ito ay lantarang pananakop diumano ng US na may basbas ng Malakanyang.
The post EDCA kukuwestyunin sa SC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment