PATAY ang isang negosyante matapos paputukan ng baril ng isa sa apat na hindi pa kilalang suspek na pumasok sa tindahan ng una sa Caloocan City Linggo ng gabi, Abril 27.
Namatay habang ginagamot sa Nodado Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Artemio San Luiz, 50 ng Phase 7-B, Bagong Silang ng lungsod.
Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, inaayos ng biktima kasama ang helper na si Roden Ganadin ang mga panindang LPG sa loob ng tindahan sa nasabing lugar nang pumasok ang isa sa mga suspek sabay tutok ng baril habang nagsilbing look-out ang tatlo sa labas.
Sapilitang kinuha ng gunman ang P245,000 sa kaha bago pinutukan ang nasawi.
Matapos ang insidente ay tumakas na ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang mga plaka habang inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga una.
The post Negosyante patay sa mga holdaper appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment