SA My Husband’s Lover ay marami na ang nakapapansin sa closeness nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. That time, may nakapansin nang iba ang ngiti sa isa’t isa ng dalawa. Kapag break nga nila sa taping, ang i-sketch ang magandang mukha ni Carla ang pinagkakaabalahan ng Fil-Am Actor.
Ang chemistry ng dalawa ang naging dahilan upang pagtambalin sila sa big screen sa So It’s You. Showing na ito sa May 7 under Regal Films.
Isa nga diumano si Tom sa nakaalam sa pagkawasak ng relasyon ni Carla kay Geoff Eigenmann. Humanga siya sa kapareha dahil may ngiti at propesyonal pa siyang nagtatrabaho kahit may pinagdaraanan. Hindi naging sakit ng ulo si Carla sa set at maging sa lambingan scenes nila sa So It’s You, kahit may pinagdaraanan.
Ano ang real score sa kanila ni Tom ngayon?
“Palaging katrabaho. My Husband’s Lover, US tour, concert, So It’s You, siya at siya ang katrabaho ko. Magkaibigan kami dahil sa trabaho pero, hindi kami magkaibigan kahit walang trabaho ay nagkikita kami.”
Hindi raw nila pinag-uusapan ang pinagdadaanan nila dahil balitang hiwalay na rin si Tom sa girlfriend niyang si K-la Rivera. Kumbaga work is work pero kanya-kanya sila sa personal lives nila.
Ayon kay Tom, posibleng ma-inlove siya kay Carla.
“Not now, not anytime soon, hindi naman, pero base sa pagkatao niya, mabuti naman siyang tao.”
Sabi ni Tom puwede raw niyang sabihin ‘yung dialogue niya sa pelikulang ‘So It’s You’ na ‘ayaw kong magkaibigan lang tayo’
“Puwede bang maging magkaibigan muna?,” tumatawang pahayag ni Carla.
Anyway, parang si Dennis Trillo na lang ang kulang sa Regal movie dahil kasama rin nila sa pelikula si Kevin Santos na nakasama nila sa My Husband’s Lover. Si Kuh Ledesma rin ang kumanta ng theme song ng movie. Kung matatandaan, ang old hit song ni Kuh na One More Try ang ginamit sa MHL.
Aminado si Carla na hindi pa siya tuluyang nakamo-move on sa paghihiwalay nila ni Geoff Eigenmann.
“Nakikita naman sa mga mata ko!,” bulalas niya.
Pero itinanggi niya ang isyung nalasing siya sa isang bar at si Tom ang tinawagan niya para sunduin siya. Hindi raw siya ganoong babae. Hindi niya gagamitin si Tom para sa ganoong bagay. Hindi raw siya desperado.
Boompanes!!!
–0o0-
MAHIRAP talaga ang long distance relationship. Bago pa man magkaseryosohan sina Rachelle Ann Go at Slater Young ay pinutol na raw nila ito.
In good terms pa rin naman sila pero napagdesisyonan nila na wakasan ang pagkaka-link nila sa isa’t isa. 14 months na mawawala si Rachelle dahil sa pagganap niya bilang Gigi sa Miss Saigon sa London.
‘Yun na!
The post May lihim na relasyon? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment