Monday, April 28, 2014

ISANG MAGITING NA DESISYON

experto NAGBITIW sa kanyang trono ang Prime Minister ng South Korea na si Jung Hong-won dahil sa batikos na inabot ukol sa paglubog ng barko kamakailan na ikinamatay ng maraming estudyante.


Bago pa man ang nasabing pangyayari na yan ay nagpatiwakal naman ang isang opisyal ng paaralan na nakaligtas sa nasabing paglubog kung saan lulan ang kanyang mga estudyante.


Doon sa Japan ay uso rin ang tinatawag na ‘hara kiri’ na isinasagawa kapag nagkaroon ng matinding kapalpakan – pribado man o sa pampublikong tanggapan.


Ang mga ganitong desisyon ay maituturing na isang magiting na gawa na handang ibuwis ang buhay man o posisyon tuwing may nagaganap na kapalpakan sa kanyang bakuran.


Doon yun! Pero sa Pinas, ibang klase ang mga namumuno kahit na may tinatawag naman tayong delicadeza. Butata na, humihirit pa…aba’y galit pa sa mga bumabatikos. ‘Yan ang Pinoy!


# # #


KASADO na ang lahat! Mayroong listahan itong si Ma’am Janet kung saan nakasulat ang iba pang politiko na sangkot din sa kanyang pandarambong sa kaban ng bayan.


Oooops! Pumasok sa eksena ang dating senador na si Panfilo Lacson na may hawak din [yata] na listahan ni Ma’am Janet. Kaagad-agad…ipinunto ni Senador Miriam na duda siya kay Ping.


Heto na ang siste niyan. Huwag natin kalimutan na nagmistulang abogado ni JPE itong si Sir Ping laban kay Sen. Miriam kaya nga nauso yung alyas na ‘Pingky’. Natatandaan pa ba ninyo, taumbayan?


Ang sangkot sa Pork Barrel Scam ni Ma’am Janet ngayon ay tatlong senador kung saan kabilang itong si Manong Johnny tapos si Sir Ping ay biglang umentra sa eksena.


Tanong: Bakit ngayon lang umeksena itong si Sir Ping? Bakit marami naman diyan pero kay Sir Ping nakapagbigay ng kopya itong Ma’am Janet? Bakit sa nasabing listahan ay may kabilang na raw na kaalyado ni PNoy?


Ang hirap kasi sa mga kilalang kaalyado ni PNoy, e, mayroon na silang tinatawag na ibang presidente, samantalang hanggang Hunyo 2016 pa ang kanyang termino kaya hayan… isasama na ang ilang hunyango na kaalyado ni PNOy sa kasong pandarambong.


Lagot kayo!


***

Para sa inyong komento o suhestyon: 09237397381


The post ISANG MAGITING NA DESISYON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ISANG MAGITING NA DESISYON


No comments:

Post a Comment