Sunday, April 27, 2014

Jessy Mendiola, ang bagong Darna!

KINUHA si Jennylyn Mercado ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) bilang Ambassador of the Ocean at kasama sa mga tungkulin niya ang tumulong sa pagpapalaganap ng mga dapat gawin para mapangalagaan ang ating mga karagatan.


Masaya ang bidang aktres sa teleseryeng Rhodora X dahil isa sa mga favorite hobby niya ay sa ilalim ng dagat-ang scuba diving kung saan aniya, nadarama niya ang peace of mind habang namamalas ang breathtaking sites sa mga diving spots ng bansa.


It’s a fact na ang diving ang isa sa mga favorite activity nila noon ng ex-boyfriend niyang si Lucky Manzano at kahit wala na sila ay ito pa rin ang kanyang weekend habit.


“Tuloy pa rin ako sa diving kahit wala na si Luis,” ani Jennylyn, at muntik pa nga raw silang magkasalubong minsan sa isang dive spot sa Batangas. Okay lang naman daw kung mangyari ito dahil naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay.


Ang laging kasama ngayon ng aktres bilang diving buddy ay ang Kapuso talent ring si Benjamin Alves, pero itinanggi niyang boyfriend na niya ang aktor na nali-link na rin sa kanya for quite sometime.


“Matagal na kaming teammates, kumbaga ‘yung team ko, matagal na niyang team. So huwag na nilang bigyan ng ibang kulay,” esplika ni Jennylyn.


Of course, in most cases sa local showbiz saka lang umaamin ang mga artista sa kanilang relasyon kapag nag-break na sila.


——


MAUGONG ang balitang si Jessy Mendiola na ang gaganap sa latest TV incarnation ng Pinoy superheroine na si Darna and none could be happier than the actress with her having bagged the much-coveted role.


“Sino ba naman ang hindi matutuwa? Sino ba naman ang ayaw na maging Darna? Gusto ko talagang maging superheroine, lagi ko ‘yan ini-express. Dati pa talaga gusto kong gumanap na Darna dahil siya ang Number One sa mga Pinoy. Gusto ko siya kasi she’s very feminine yet strong,” the Kapamilya actress enthused.


Tatlong buwan na mula nang magtapos sa ere ang huli niyang teleseryeng Maria Mercedes pero giit ni Jessy na hindi naman siya natetengga dahil may mga ginagawa siyang commercials at may appearances din sa mga out-of-town show. Nandiyan din ang ginagawa niyang pelikula with John Lloyd Cruz na nasa kasagsagan na rin ng shooting.


On another note, the actress declared her current single status. “Single na single,” as Jessy puts it. Ano na kaya ang nangyari sa nabalita noong panliligaw sa kanya ni Sam Milby?


Ang isa pang na-link sa aktres na si Jake Cuenca ay nagpost naman recently ng mga maiinit niyang larawan sa Instagram kasama ang isang foreign model.


——


THIS early, the clamor for Tarlac City ABC (Association of Barangay Captains) President Allan Manchoy Manalang to run as City Mayor in 2016 is growing louder.


Marami kasi sa mga taga-Tarlac City ang gustong maipagpatuloy ang brand of sincere and visionary leadership ng 3rd termer na ngayong si Mayor Ace Manalang at gusto ng mga taong maipagpatuloy ng kanyang anak na si Chairman Manchoy ng Barangay Ligtasan ang mga programa niyang nakapagpataas ng kalidad ng buhay ng kanyang mga nasasakupan.


***

For comments, puwede n’yo akong itext sa 09088107598.


The post Jessy Mendiola, ang bagong Darna! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jessy Mendiola, ang bagong Darna!


No comments:

Post a Comment