SA pagharap ni Carla Abellana sa press people kaugnay ng kanilang movie ni Tom Rodriguez, ang “So It’s You” ng Regal Entertainment, una niyang nilinaw na hindi niya gagamiting promo sa movie ang break-up nila ng ex-bf na si Geoff Eigenmann.
Malinaw at magalang namang naitawid ng aktres ang katuwirang hindi part ng kanilang promo ang kanyang personal na buhay.
“Actually, I came here today hoping that I would not talk about him (Geoff). Kasi, nagalit na si Perry (kanyang manager), huwag ko na raw gamitin ang pangalan ni Geoff,” ayon pa kay Carla na winarningan ng manager ng ex na huwag gamitin ang alaga nito sa promo ng kanilang pelikula ni Tom na showing na sa May 7.
“Unang-una, nakahihiya na nagagamit ‘yung name niya for the movie. So, as much as I want to just talk about the movie hindi rin naman talaga maiiwasang may magtatanong about him. But as much as possible I don’t want to talk about him anymore,” pakiusap pa ng aktres-modelo.
“What we went through was between the two of us talaga at ‘yung relationship namin, it did not involve anybody else, anybody from the past, anybody ngayon at (sa) present, wala!” pahayag pa ni Carla.
Sa kanilang dalawa na lang daw ni Geoff kung anuman ‘yung mga iniwan nilang alaala,” It was just between the two of us, two personalities, two different attitudes, two different ways of making decisions, two different dreams ang goals na unfotunately hindi magtugma. Magkaibang-magkaiba kami, so ‘yun!” mahaba-habang paliwanag pa ng aktres.
Hindi rin daw totoo ang balitang naghahabol pa siya sa isa pang ex na si JC Intal, isang sikat na PBA player na ngayo’y engaged na sa host na si Bianca Gonzales.
“Binati ko siya,” upon learning JC’s proposal with Bianca. “Tinext namin siya, lahat ng pamilya ko, pati na ang bestfriend ko na close niya, so okay naman. Sabi niya (JC), ‘thanks’, ganyan, ganyan. Sabi ko sa kanya, ‘God bless!’”
–@@@—
HINDI kaya ikasira ng LBC ang dalawang babaeng empleyada (na na-misplace namin ang nakasulat na pangalan sa papel) sa kanilang Riverbanks branch na tila wala sa bokabularyo ang awa o konsiderasyon sa kapwa?
Sumbong sa amin ng isang senior citizen, pinahirapan siya sa pagkuha ng ipinadalang pera sa kanya last April 16, Holy Wednesday para pamasahe pauwi sa probinsiya the following day, Holy Thursday. May sakit kasi ang kapatid ng nasabing senior citizen (na ayaw munang ipabanggit ang pangalan).
To think, last hour at 6pm daw ng hapon, isang oras bago mag-close ang branch, (at holiday the following day) hinahanapan siya ng kaukulang ID para makuha ang ipinadala. First time raw kasi na sa pagmamadali nakalimutang dalhin ng tao ang ilang ID. Tanging bitbit nito ay ang kanyang ATM with his name na ayaw tanggapin ng dalawang mahaderang babae. Ando’n na kami na may policy ang company na ‘no ID, no redeeming ng cash,’ pero sa oras ng kagipitan at may record naman ang tao sa kanilang computer, walang awa nilang itinaboy ang mamang ito?
Dapat i-seminar ng pamunuan ang ilan nilang empleyado na ‘pag sa oras ng kagipitan or between life and death situation meron din silang konting consideration o tinitingnang exemption to the rule. Pinahirapan nila ang matanda kahit pa kakilala niya ang isa sa mga empleyada ro’n at pinapagarantiyahan na kilala nila ang client pero nagmatigas pa rin ang dalawa.
My God, in a matter of life and death, wala palang aasahang konsiderasyon sa kompanyang ito na pinagkatiwalaan pa ni dating OMB Chairman Edu Manzano na i-endorso noon?
Bukas naman kami sa dayalog anomang oras sa LBC management at puwede silang kumontak sa <adorsaluta@yahoo.com> para magkapagpaliwanag.
The post Carla winarningan ng manager ng ex appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment