Sunday, April 27, 2014

Isang pagbabalik-tanaw kina FPJ at Direk Celso Ad Castillo

BUKOD sa programa ng aming editor dito na si Pete Ampoloquio, Jr. (kasama ang best friend n’yang si Peter Ledesma and nephew Abe Paulite (na kapwa columnist namin dito sa Remate), may isa pang programa sa DWIZ na irirekomenda namin sa inyo na pakinggan, ang Positive Session ni George Sison tuwing Sabado, 9-10 pm.


‘Di naman bago si George sa DWIZ. Dati siyang regular guest ni Mon Tulfo sa Isumbong Mo Kay Tulfo tuwing Biyernes ng tanghali (pero Monday to Friday ang programa ni Mon). Nagpasya ang management na bigyan si George ng sariling weekly program na isang buong oras dahil may may malaking following na ito. Pero ‘di naman ibig-sabihin nito na magkagalit na sina Mon at George. Nanatili silang magkaibigan, at naniniwala pa rin si Mon sa mga itinuturo niya tungkol sa positive consciousness na nakapagpapabago ng buhay at nakapagpapatibay ng pananalig sa Diyos (na nasa kalooban ng bawat isa sa atin).


Ang DWIZ ay nasa 882 ng AM band sa pihitan ng inyong mga radyo.


* * *


ALAM n’yo ba na ang ina ng mga anak na aktor ni Pen Medina na sina Ping, Alex, at Victor ay naging stage actress din? Si Chupsie Medina ang ina nung tatlong batang aktor na hinahangaan ang commitment sa indie films at sa teatro na rin. Pero hindi pagiging aktres ang piniling propesyon ni Chupsie kundi corporate communication at freelance journalism.


Sa Teatro Kabataan (TK) nagkakilala sina Pen at Chupsie, kung saan pareho silang naging workshopper. At ang mga teacher nila noon duon ay si Joonee Gamboa at ang yumaong theater actress na si Adul de Leon. “Crispin” pa ang ginagamit na first name ni Pen noon.


Nag-reunion nga pala ang magkaka-batch na workshoppers ng TK sa bahay ni Joonee sa Malolos, Bulacan. Hindi naman talaga Bulakenyo ito pero mula nung mapadpad siya sa Malolos halos mga sampung taon na ang nakalilipas, naipasya n’yang doon na manirahan. He finds the town peaceful, breathy, and clean.


Sayang, hindi isinama nina Pen at Chupsie ang mga anak nilang aktor para nakakwentuhan din sana namin sila. (Oo nga pala, nag-theater workshop din kami for a year sa TK, at ka-batch namin du’n ang mag-asawa).


Nag-enjoy kami nang husto sa mga kuwento ni Joonee sa pakikipagtrabaho n’ya noon separately kina Fernando Poe, Jr. at Celso Ad Castillo (marami na siyang direktor na pinagtrabahuhan but for some reasons ay sina Da Kid at FPJ ang nasumpungan n’yang gunitain).


Kunwa-kunwarian lang daw na may tapos nang script ang movie project ni Da Kid bago n’ya ito simulang isyuting. ‘Pag dating sa set (lugar ng syuting), siya mismo ang nagbabago ng script o ipinapabago n’ya sa writer on the spot bago kunan ang eksena.


“Isinusulat lang sa yellow pad ang dialog, at kailangang magaling mag-memorize ang artista n’ya ru’n mismo sa syuting gaano kahaba man ‘yon bawat eksena,” paggunita ni Joonee na gumanap sa Pagputi ng Uwak (Pag Itim ng Tagak) at Burlesk Queen, among other’s Celso Ad Castillo award-winning films.


“Si FPJ pa lang ang nakita kong nagdirek ng boxing scene sa isang pelikula na bawat suntok ng naglalabang boksingero ay alam n’yang ibigay sa artistang gumaganap na boksingero ang motivation. That’s the reason why his boxing and fight scenes always looked realistic and credible. Naka-choreograph lahat ‘yon with corresponding motivations for each movement. Ganu’n siya kagaling.


“At pag may ipinangako siya sa iyo bilang artista n’ya o bilang kaibigan n’ya, maski na yung parang imposible, natutupad n’ya,” paggunita naman n’ya kay FPJ.


Ang misis nga raw pala ni FPJ na si Susan Roces ang pangunahing consultant niya sa kanyang mga pelikula at halos lagi namang sinusunod ng Hari ang mga suggestion ng kanyang Reyna.


Maraming iba pang kuwento si Joonee tungkol kina FPJ at Da Kid pero masyadong personal na ang mga yon, kaya ni-request n’ya kami na huwag i-publish ang mga ‘yon.


Sa mga nag-TK, si Pen Medina ang sumikat nang husto bilang aktor sa pelikula at sa telebisyon. May isang naging paboritong talent ni Ishmael Bernal sa mga mala-pelikulang commercials na ginawa n’ya –si Ricky de Hora, na ang off-camera profession ay bilang economist sa isang government corporation.


The post Isang pagbabalik-tanaw kina FPJ at Direk Celso Ad Castillo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Isang pagbabalik-tanaw kina FPJ at Direk Celso Ad Castillo


No comments:

Post a Comment