ARESTADO ang tatlong lalaki na umano’y iligal na nagbebenta ng baril sa isinagawang buy-bust operation ng Counter-terrorism division at counterintelligence division ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nakilala ang mga suspek na sina Ramon Sta. Rosa, Marco Pamatpat at Joaquin Miranda.
Ayon sa NBI, nakatanggap ng tip ang ahensya hinggil sa iligal na pagbebenta ng baril ng isang grupo.
Isang NBI agent ang nagpanggap na bibili ng baril at nakipagkita naman sa SM Marikina ang mga suspek kung saan sila natiklo.
Narekober sa kanila ang Bushmaster M4 category armalite na kanilang ibinibenta sa halagang P130,000.
Nabawi rin sa mga ito ang buy-bust money.
The post 3 lalaki, arestado sa iligal na pagbebenta ng baril appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment