KULANG sa bomba ang isyu kina Mayor Herbert Baustista nang lungsod ng Quezon City at Tv Host Kris Aquino. Kumbaga sa bomba, supot ang pasabog ni Bistek. Kasi konti lang ang naniwala sa media sa isyu ng Bistek at tetay love affair. Halata namang ginagamit lang ni Mayor Bautista si Kris para sa ambisyon niya sa politics sa 2016.
Gusto kasi ni Manong Bistek na tumakbong Senador kaya panay ang dikit niya kay Kris (na talaga namang super hot ang kasikatan sa ngayon ha!) at para makasiguro rin na kasama siya sa line up ng LP Senatoriable ni Secretary Mar Roxas. Pero sad to say, hindi nakatulong kay Bistek si kris. Bagkus ay nakasira pa sa image niya dahil puro negative publicity lang ang kanyang natanggap.
&&&&&
SI Manila Vice-Mayor Isko Moreno rin ay nagbabalak tumakbong senador sa 2016. Tapos na kasi ang termino niyang bilang VM ng nasabing lungsod at wala na siyang pagpipilian kung saka–sakaling tatakbong muli si Erap na Mayor ng Maynila kundi man Congressman ng unang distrito ng Maynila o Senador. Let’s wait and see kung ano desisyon ni VM Moreno sa 2016?
&&&&&
SI Bossing, nae-excite sa espesyal na regalo ni Aleng Maliit para sa kanya. Ano nga kaya ang regalo ni Aleng Maliit? Abangan natin yan next week mga Dabarkads! Kaya tutok kayo lagi sa EB mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang Po!
&&&&&
MALAKI ang pag–asa ni Vice– Mayor Romulo “Kid” Peña nang lungsod ng Makati City na maging Mayor sa 2016 o sa 2019. Maganda kasi ang ginagawa ni VM Kid sa nasabing lungsod. Madali ring mahatak sa mga birthday at fiesta si VM Kid hindi tulad ng kasalukuyan Mayor Jun–Jun Binay na no-show lagi. Maging sa mga lamay, laging present si VM Kid.
The post Bistek at Isko, tatakbong senador sa 2016? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment