Monday, April 28, 2014

GUNAWIN ANG SENADO

sa kantot sulok NANGISI ako nang malamang may asteroid na binabantayan ang pagtama sa mundo.


Kung mangyayari ito, ayon sa mga scientist, mas grabe ang magaganap sa inaasahan.


Isipin na noong may malaking asteroid na tumama sa mundo, 65 milyong taon na ang nakararaan, lahat ng nabubuhay sa lupa pati mga dinosaur ay nabura.


Kung ito’y mauulit, mas kahindik-hindik.


Bakit tayo nangisi? Hindi po ito’y dahil sa gusto ko nang magkandamatay tayong lahat na nabubuhay sa daigdig. Kasi, kung talagang mamamatay tayo, mamamatay tayo. Walang ligtas d’yan.


Sa nangyayari ngayong kabalbalan ng mga senador, kongresman at opisyal ng gobyerno na pulos sangkot sa pagnanakaw sa pondong-bayan, aba’y okey lang kung may lumipad na asteroid basta ang unang malilipol ay ang mga walanghiyang ito.


Ang mga hinayupak, hindi pa man tuluyang pumipiyok si Janet Lim-Napoles, isa-isa nang nagiiyakan. Lahat sila ay nagsasabing hindi raw nagnakaw ng pondong tinatawag na pork barrel. Weh!


Pero kung pagbabasehan ang mga dokumentong hawak ng blue ribbon committee at testimonya ng mga testigo, kasuka-suka talaga itong mga mambabatas.


Ang mga walanghiya ay parang mga baboy na walang kabugan sa kanilang pangungulimbat ng salapi ng bayan.


Kaya nga gusto kong maipatawag muli si Napoles sa Senado at pakantahin upang sa harap ng mga senador, ituro niya isa-isa ang mga baboy na kasama niyang kawatan.


Walang dapat sinuhin. Isama pati ang mga baboy na kakampi ng Malakanyang sa papangalanan. Kesehodang magunaw ang Senado sa kahihiyan.


The post GUNAWIN ANG SENADO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



GUNAWIN ANG SENADO


No comments:

Post a Comment