Saturday, April 26, 2014

Eula Caballero, stagnant sa aktingan, gasgas pa ang puwet!

NAPAGBABAGO rin talaga ng panahon ang damdamin ng bawat tao, at kung noong una ay very vocal siya sa pagtutol sa May-December affair ng kanyang Daddy na si Bossing Vic Sotto sa girlfriend nitong si Pauleen Luna, ngayon ay tanggap nang lubusan ni Danica Sotto ang relasyon ng dalawa.


“Nung una, medyo nakakailang ang edad, pero naklikita mo naman na masaya sila. Hayaan na lang natin sila and let them be happy. I just continue to pray kung ano ang will ni God para sa kanila,” ani Danica.


Isa raw maipagkakapuri kay Pauleen ay hindi siya forcing through sa pagsuyo sa kanila ng kapatid na si Oyo Boy at hinayaan lamang na kumalma ang sitwasyon bago ito nag-reach out para mapalapit sa kanila.


Wala na ring tutol ang misis ni Marc Pingris kung sakaling magdesisyon nang magpakasal ang dalawa.


“Sige, go. Basta seryoso sila. Dapat kung kayo na talaga, siguradfuhin n’yo yan,” ang may halong pagbibirong mensahe ni Danica para kina Bossing Vic at Pauleen.


——


MUKHANG dobleng pagpipigil muna ang kailangang gawin ni Jericho Rosales dahil pagkatapos ng kanilang kasal ng palung-palo niyang bride to be na si Kim Jones this May 1 sa Boracay ay postponed muna ang kanilang romansahan sa kanilang honeymoon at kailangang bumalik ng aktor sa taping ng pinagbibidahan niyang teleseye na The Legal Wife.


Ang siste pala ay nagleave of absence na nitong nakaraang Linggo si Echo sa show para asikasuhin ang preparasyon para sa kasal nila ng Fil-Am fiancee, kaya habang puwede pa ay tinatapos na niya ang mga eksenang puwede niyang gawin.


“Yung wedding namin ni Kim, hindi naman puwedeng ipostpone yun, ‘di ba?” Echo asks. Oo naman pre. Masakit lang sa puson yan pre ‘pag wala munang kasunod na romansahan.


——


MATAGAL na rin sa telebisyon ang sinasabing Prinsesa ng Singko na si Eula Caballero pero hindi na nag-improve ang kanyang acting. Sa mga eksenang komedya ay tila catatonic pa rin siya na hindi mo alam kung bangag o ewan.


Sa mga eksena namang katatakutan o may eerie atmosphere ay nandiyang pinandidilatan lang ng mata and not much else in the field of acting nuances. Dapat siguro ay mag-enroll sa isang method acting class itong si Eula para ganahan naman sa kanya ang mga manonood.


Dapat rin sigurong triple time sa gym to work and concentrate on her butt dahil mukhang gasgas na gasgas na ang kanyang wetpaks sa pagka-flat. Tama ba, JC de Vera?


***

For comments, puwede n’yo akong itext sa 09088107598 or iemail sa rod.yabis@yahoo.com.


The post Eula Caballero, stagnant sa aktingan, gasgas pa ang puwet! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Eula Caballero, stagnant sa aktingan, gasgas pa ang puwet!


No comments:

Post a Comment