NAHULI ng pinagsamang mga operatiba ng Eastern Visayas Regional Office (Evro) at Samar District Office (Samdo) sa koordinasyon ng provincial police kahapon sina Cedric Lee at Simeon Raz, dalawa sa pitong akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro.
Nang lumabas ang warrant of arrest sa grupo kaugnay sa kasong serious illegal detention at grave coercion dahil sa hindi pagpiyansa ay nagtago na ang mga ito. Sina Cedric at Simeon umano ay binaybay ang Bicol Region papuntang kabisayaan para pumuslit diumano sa pagsakay sa sasakyang pandagat papunta sa mga karatig bansa.
“For the past few days, talaga namang tina-track down na ng NBI ‘yung kanilang mga location. More or less as of yesterday, we knew the general area kasi parang naging mobile sila. They hopped from area to another–from Quezon to Bicol, to Sorsogon and then finally sa Eastern Samar.
“Dadalin sila sa Manila, sa NBI. In the meantime, roon muna sila sa NBI detention facility and we will await the commitment order from the RTC [Regional Trial Court] Taguig. Ang RTC Taguig ang magdedesisyon kung saan talaga sila dapat ilagay pending the arraignment, pending the trial of the case,” ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima.
Labis naman ang katuwaan ni Vhong Navarro sa nasabing development kaya habang nagpo-programa sa “Its Showtime” ay nagbigay ito ng pasasalamat sa lahat lalo na sa mga otoridad at kay Sec. De Lima.
***
CLAUDINE GUSTONG IPAKULONG NI RAYMART
HINDI nga raw nagiingay si Raymart Santiago at panay no comment lang ito tungkol sa kasong pinag-aawayan nila ni Claudine Barretto pero palihim naman daw pala ito kung tumira laban sa kanyang misis.
Imagine, tumestigo si Raymart laban kay Claudine at sinabing ‘yung tatlong paintings at Louis Vuitton luggage na nawala na inamin naman daw ng dalawang dating kasambahay na kinuha nila ay inako nito at sinabing sa kanya iyon at siya ang kumuha.
Kaya ang bumuwelta ngayon ang dalawa sa tulong ni Santiago at Gretchen Barretto at ang aktres naman ang sinampahan ng kasong robbery dahil kinuha raw ng huli ang mga cellphone at iba pang gadgets ng mga ito bago umalis noon sa kanilang bahay kapalit ng paintings at signature bag.
“The robbery case filed against me before the Regional Trial Court in Marikina is but the latest in a long line of harassment cases made upon the instigation of my estranged husband, Mr. Raymart Santiago, and my sister Ms. Gretchen Barretto, who have provided material and legal support to my former house help against whom I have filed criminal cases after they tried to steal things from our house upon the behest of other parties, as per their own admissions as recorded on video.
The hand of these two persons are very much in evidence in the fact that Mr. Santiago has testified in favor of those whom I have charged with qualified theft, and in the direct intervention of Ms. Gretchen Barretto’s personal legal counsel in some of the said cases,” bahagi ng press statement ni Ms. Claudine.
***
GOV. ER EJERCITO SA KAPITOLYO NATUTULOG
BILANG paghahanda ngayong darating na Palarong Pambansa na iho-host ng probinsya ng Laguna na magsisimula sa May 4 at matatapos ng10, sa kapitolyo na ng Laguna halos natutulog si Governor ER Ejercito.
Imagine, aabot sa 9-hectares ang ground work na pine-prepare nila kasama na dyan ang Sports Complex sa Sta. Cruz, rehabilitasyon sa 60 surrounding schools as billeting quarters, and approaching every major stakeholder to get on board.
Mula sa elementarya at sekondarya sa pampubliko at mga pribadong eskuwelahan sa buong bansa ang magpa-participate sa big event na ito.
Ang 2014 Palaro na ito ay may bagong ipe-feature na laro katulad ng demonstration of Wushu para sa Secondary boys and girls at Billiards para rin sa Secondary boys. First time ding ipakikilala sa taong ito ang Olympic Wrestling.
Ayon kay Gov. ER, aabot sa 17,000 young athletes, coaches and officials mula sa 17 rehiyon ng Pilipinas ang maglalaban-laban sa 19 sports activities at 399 athletic events na matatapos sa loob lamang ng isang linggo kaya talagang tinututukan niya ito ng husto. Sisiguruhin din niyang mapangangalagaan ang seguridad ng kanilang mga bisita.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Cedric planong pumuslit ng bansa sa pamamagitan ng bangka appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment