GRABE ang young actress na bida sa column natin sa araw na ito. Nakilala natin ito noong batang–bata pa siya at mga ten years old pa lang. Ipinakilala siya ng katotong Bunch Cortez, Jr. na isang dating reporter at ngayon ay talent manager na kuno! Sa isang kilalang fst food chain namin nainterbyu ang sikat na ngayong young star sa isang malaking Tv network na ang akala mo ay ubod ng ganda masama naman ang pag-uugali.
Kuwento ng isang stage mother ng isang sikat na artista rin, nagdodroga raw ang nasabing youngstar na sikat na masama ang ugali. Kitang–kita naman raw sa balat ni young star na masama ang ugali na adik siya dahil natutuyot ang balat nito.
Pangalawa naming pagkikita buhat nang mainterbyu namin siya ng hindi pa siya sikat ay parang feeling big star nang makasalubong namin sa loob ng isang sikat na istasyon. Pero nagbeso–beso naman. Kumbaga, nagplastik si youngstar na adik. Kilala mo kaya ito Mr. Bunch Cortez, Jr.? Malamang. Kasi sa iyo nagsimula yan.
&&&&&
LAST week nagsimula mga Dabarkads ang 1st EB Dabarkads Awards. Siguraduhin na nakaboto na kayo para sa mga Dabarkads at istorya na tingin niyo ay dapat maging BEST ACTOR, BEST ACTRESS, BEST SUPPORTING ROLE, BEST CHILD PERFORMER at BEST STORY.
Puwede pa kayong mag-text at mag-like hanggang bukas ng 1:00pm. Kaya tuloy-tuloy lang ang pagboto mga Dabarkads.
Simula 11:30 bukas sama-sama na tayo sa isang masayang tanghalian mga Dabarkads!
&&&&&
WALA talagang tatalo sa Mayor ng Marikina City na si Mayor Del De Guzman sa pagtulong sa mga tao. Kahit abutin pa siyang ng hatinggabi sa kanyang people’s day kapag araw ng Huwebes, wala siyang pakialam. Basta’t malaman niya ang pangangailangan ng mga tao at nangangailangan ng medical asst, wheelchair, gamot at pera, lahat yon ay pinagbibigyan ni Mayor Del.
The post Aktres sa kilalang TV network, adik appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment