Wednesday, April 9, 2014

DELFIN LEE BOSS NI PNOY AT SUGAL TALAMAK SA RIZAL

burdado-jun-briones2 HINDI lang sinibak sa kanyang assignment ang pulis na si S/Supt. Conrad Capa, lantaran din itong sinabon ni PNoy.


Ang lahat, parekoy, ay nag-ugat sa pagkakahuli ni Col. Capa sa matagal nang “wanted” sa batas, ang milyonaryong si Delfin Lee.


Matapos maaresto si Lee ay taas-noo si Col. Capa dahil nahugot nga naman niya mula sa kwebang pinagtataguan ang “high profile” at palos na si Lee.


Pero sa halip i-promote ay ini-reassign! At nang umangal ang opisyal sa aniya’y demotion, ay biglang sumali ang Pangulo sa isyu. At imbes bigyang-parangal ay sinabon nang wagas nito si Col. Capa.


Ilang araw, parekoy, ang lumipas ay biglang sumingaw ang katotohanan. Na ang hinayupak pala na si Delfin Lee ay isa sa mga contributor sa “campaign fund” ni Noynoy noong kumakandidato pa lang itong Pangulo.


Kaya naman pala ini-reassign at sinabon si Capa! Dahil ang hinuli pala niya ay “Boss ni PNoy.”


King-inang buhay na ito, parekoy, ‘yung iba pang mayayamang “wanted” donor din kaya noon ng Pangulo? Huh!


Aral sa mga pulis. Huwag ninyong sasalingin o huhulihin kahit “wanted” ang isang tao kung hindi n’yo tiyak na siya ay donor o contributor ng Pangulo!


Payo sa mga wanted: Hindi problema ang pagtatago sa batas basta marami kangpera. Pero bago ka sumuksok sa lungga ay makipagkita ka muna sa sinomang “in-charge” sa campaign contributions para sa malakas na kandidato sa pagka-Pangulo!


‘Pag siya’y nanalo, sibak na ang huhuli sa iyo, aanlawan pa sa publiko! Hak, hak, hak!


-o0o-


MATAPOS na bilang PNP Provincial Director ng Rizal si S/Supt. Marcillano S. Villafranca ay nabuhayan ng loob ang mga mamamayan. Dahil naniniwala sila na matutuldukan na rin sa wakas ang naglipana at lantarang iligal na sugal ng gambling lord na si Sol.


Ngunit sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring operasyon ng mga pulis laban sa iligal na gawain ni Sola.


Sa totoo lang, parekoy, noon pa man ay alam na ng taumbayan na hindi madaling walisin ang “lotteng” ni Sola. Dahil lahat halos ng COP sa Rizal, maging ang local politicians ay nasa “weekly payola” nito.


‘Yan ay dahil madalas ipinagyayabang mismo ni Sola. Na kesyo, siya ay untouchable dahil “milyong piso” mula sa gambling collection ang kanyang nakalaan para sa mga ito!


Pero nang umupo nga, parekoy, si Col. Villafranca ay nabuhayan ng loob ang mga taga-Rizal.


‘Yun nga lang, mali sila. Maling-mali!


The post DELFIN LEE BOSS NI PNOY AT SUGAL TALAMAK SA RIZAL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DELFIN LEE BOSS NI PNOY AT SUGAL TALAMAK SA RIZAL


No comments:

Post a Comment