Sunday, April 27, 2014

Coco, sobrang ngarag para pansinin pa ang mga issue kay Ate Guy

KINUNAN namin ng reaksyon ng manager ni Coco Martin na si Mother Biboy Arboleda tungkol sa isyung galit diumano si Nora Aunor kay Coco.


“Roldan nakarating na sa akin ang Balita na ‘yan last Thursday. Nasabi ‘yan ni Kuya Boy (Palma) na manager ni Ate Guy kay Malou Crisologo na production manager ng Padre de Familia. Sabi ni Malou may lumabas na balita na nasabi ni Coco ay mga negative na bagay bagay about Ate Guy its not true, di ‘yan gawain ng alaga ko, and sa true lang wala siyang oras sa gitna ng kangaragan niya sa pag-shoot noon ng padre de Familia vis a vis taping ng Ikaw Lamang vis a vis shooting ng Maybe This…vis a vis ‘pag tipar pa ng other commitments here and abroad.


“Malou told Kuya Boy na sa tagal na niyang alaga and kakilala at katrabaho si Coco ay ‘di s’ya naniniwala na Coco could’ve said such things about Ate Guy. But she will tell me agad para nakarating kay Coco.


“So ‘yan Roldan ang update ko, wala na ako ma-react if driven ‘yan by other people or groups na ‘di gusto or mahal si Ate Guy and ‘di gusto or mahal si Coco, ‘yan ang democracy, ‘yan ang showbiz. Salamat teh happy weekend,” text-tsika ni Mother Bibs.


-0o0-


KINUKULIT pa rin si Toni Gonzaga sa pagpapakasal nila ni Direk Paul Soriano.


Sey ni Alex: ”Baka naman kasal na sila, hindi lang natin alam”


Pumalag si Toni: “Ano’ng pinagsasabi mo? Sira ka, baka isipin nila…kung kasal kami dapat nasa isang bahay na kami.”


Secret nga, e?


“Hello. Kahit nga secret ‘yun basta kasal na ako, aalis na ako sa bahay ni Mommy Pinty?


Nagbiro pa si Alex na baka may marriage certificate na pinapirmahan si Direk Paul pero hindi alam ni Toni?


“Ano ito, soap opera. Hindi wala talaga,” bulalas pa ni Toni.


Panlalaglag pa ni Alex, wala pa raw wisdom si Toni, hindi pa ma-wife.


Hindi ba natatakot si Toni na mahihirapan siyang manganak ‘pag pinatagal pa?


“Hindi…si Regine Velasquez nga, 40 nanganak,” mabilis niyang sagot.


Pero nahirapan din siya?


“If there’s a will, there’s a way,” sagot lang ni Toni sa presscon ng “Pinoy Big Brother All In”.


The post Coco, sobrang ngarag para pansinin pa ang mga issue kay Ate Guy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Coco, sobrang ngarag para pansinin pa ang mga issue kay Ate Guy


No comments:

Post a Comment