Sunday, April 27, 2014

Anak ginahasa ng sariling tatay

KALABOSO ang isang tatay matapos ireklamo ng panghahalay sa anak na nene sa Valenzuela City Linggo ng gabi, Abril 27.


Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Rodrigo Diaz, 39, ng Pabaya st., Mapulang Lupa ng lungsod.


Sa pahayag ng biktimang edad 7, alas-8:30 ng gabi, naghahapunan sila ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay nang tanggalin ng suspek ang mga damit ng biktima at halayin.


Walang nagawa ang nene dahil sa lakas ng suspek at nang makaraos ay sinabihan ng tatay ang anak na huwag magsusumbong kanino man dahil masasaktan lang ito.


Nang dumating ang ina ng bata ay nagawang masabi ng biktima ang nangyari, dahilan upang samahan ng una ang anak sa presinto at ipadakip ang suspek.


The post Anak ginahasa ng sariling tatay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anak ginahasa ng sariling tatay


No comments:

Post a Comment