Sunday, April 27, 2014

Allowance ng MPD police tinaasan ni Erap

MAHIGIT 2,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang napagkalooban ng dagdag allowance at tig-10 kilong bigas ni Manila Mayor Joseph Estrada kaninang umaga.


Una nang ipinangako ng alkalde na magbibigay ng P10,000 allowance sa mga pulis ng MPD sa oras na makalikom ang lokal na pamahalaang lungsod ng pondo.


Ang nasabing pondo ay nalikom mula sa Revenue Tax sa Organizing Vending Program ng alkalde ng maynila sa night market ng Divisoria.


Ang pagbabalik sa allowance ng mga pulis sa Maynila ay nakikita ring solusyon ng alkalde para matigil ang kotong cops kaya naman sinisikap niyang ma-total zero ang nasabing iligal na gawain ng ilang kapulisan.


Bukod dito, nais din ng alkalde na maibalik ang nawalang dignidad ng Manila’s Finest.


The post Allowance ng MPD police tinaasan ni Erap appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Allowance ng MPD police tinaasan ni Erap


No comments:

Post a Comment