POSIBLENG magdilim ang kalangitan bunga ng magaganap na annular solar eclipse bukas, Abril 29, 2014, Martes, alas 11:52 ng tanghali.
Nabatid kay Engr. Dario dela Cruz ng astronomical division ng PAGASA, ang solar eclipse na ito ay pangatlo na sa major astronomical events ngayong Abril ng kasalukuyang taon.
Anya, unang nakita ang total lunar eclipse nitong nakaraang Abril 15 ngayong taon, sinundan ng Lyrids meteor shower nitong nakalipas na Abril 21 at 22, habang bukas ng tanghali ay makikita ang solar eclipse.
Gayunman, sinabi ni Dela Cruz na hindi ito magiging visible sa Pilipinas kundi sa ibang bansa lamang sa mundo.
Kabilang sa malinaw na makakakita nito ay ang mga nakatira sa southern part ng France, Antarctic Islands, Wilkes Land (Antarctica) at Australia.
Ang annular solar eclipse ay nangyayari kapag ang buwan ay dumadaan sa pagitan ng mundo at araw, kung saan nakakalikha ito ng anino na tumatakip sa ilang bahagi ng daigdig.
The post Solar eclipse, mararanasan bukas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment