Saturday, April 26, 2014

Sobrang nahirapan sa pag-ipit ng dalawang itlog dahil sa suot na pekpek shorts!

ANG dami na ng mga naipalabas sa Magpakailanman ng Kapuso Network na ang istorya ay temang bading. This time ang gaganap na bakla sa drama anthology ay si Kristoffer Martin. Dati-rati raw ay galit ito sa mga bakla. Nang makapasok sa showbusiness, ‘di siya makapalag dahil mga bakla ang karamihan sa produksyon, nasanay na raw siya sa pakikisalamuha sa mga ito.


Aling Charing!


Maaring merong naging bad experience ang batang ito sa mga bakla kaya gayun na lamang ang pagkamuhi nito noong araw. Kung siya ay galit noon sa mga bakla, ang iba naman ay tuwang-tuwa dahil madaling masandalan ang mga bakla para sumikat lamang sila.


Balik tayo dito sa role niyang beki sa Magpakailanman na naipalabas na noong Sabado at ang daming natuwa sa kanya na kering keri pala niya ang ganitong klase ng papel na kanyang ginampanan. Masyado raw itong nahirapan hindi sa pag-internalize sa role kundi ang kanyang dalawang eggs na sobrang ipit sa suot niyang pekpek shorts.


Ang kanyang ikinababahala ay baka umalagwa ang kanyang alaga sa igsi ng shorts niya kaya si Mark Herras na kanyang love interest ay tawa ng tawa kapag napapangiwi ito sa sakit off cam. Wala silang bed scene at kissing scene (talbog sila nina Alwyn Uytengco at Vin Abrenica na mouth to mouth scene. Ano nga ba ang tawag doon kapag ang tao ay nalunod sa tubig? resuscitation?).


Nao-awkward daw siya kapag nakasuot na siya ng shorts at nasasabihan siya ni Mark na nakikita na niya si Jun Jun. Awkward man ang pakiramdam niya, maganda naman ang kinalabasan ng kanyang acting sa istorya na pinamagatang Siga Noon, Beki ngayon.


-0-


NAPAKA-OA naman ang pralala sa kinita raw sa first day showing ng pelikula ni Vhong Navarro na Da Possessed ay umabot daw ng 17 milyon. Imagine mo nga naman Sabado de Gloria at ang karamihan ng mga tao ay nasa bakasyon sa probinsya, katatapos pa lamang ng bayaran sa income tax, tapos kikita ng ganu’n kalaki at nasa 50 milyon na raw sa ikapitong araw? Parang kita sa film festival ang ganitong figure, ‘di ba naman? Sana’y totoo ang figure na kanilang ipinamamalita para kumita naman ang prodcer at magproduce uli ng pelikula para merong trabaho muli aang mga artista.


Sabi naman ni Aling Rosenda, maaaring kumita ang pelikula dahil sa simpatiya kay Vhong pagkatapos nitong mabugbog at pinaratangan pang rapist.


Ang mga nagparatang nasaan na? Nagtatago na dahil sila ang naging wanted dagdag pa ni Aling Rosenda.

Kabaliw!


-0-


NAKAALIS na raw papuntang America ang mag-iina na Tates Gana at doon na raw muna mamamalagi habang mainit pa ang isyu nina Kris at Bistek. Bakit pa kasi umalis? ‘Di ba sabi iniwan na ni Bistek si Kris at nag-bestfriend nalang daw ang dalawa? Pero sabi ng iba ay gimik lamang daw ang hiwalayan. Lalayasan ba naman ang playboy na Mayor kung hiwalay na ito? Just asking.


Marami na ang nananabik sa soap opera na Dalawang Mrs. Real ni Maricel Soriano. Masyado ng pinanabikan ito ng mga fans ni Taray Queen. Malapit na itong mapanood sa primetime ng Kapuso Network maaaring ito ang kapalit ng Rhodora X ni Jennylyn Mercado at Mark Herras.. Ciao Bambino!


The post Sobrang nahirapan sa pag-ipit ng dalawang itlog dahil sa suot na pekpek shorts! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sobrang nahirapan sa pag-ipit ng dalawang itlog dahil sa suot na pekpek shorts!


No comments:

Post a Comment