DALAWAMPUNG mamamahayag na ang napaslang sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang pinakahuli ay ang ating kasama sa pahayagang ito na si Rubylita Garcia.
Hindi na nakatutuwa, bagkus marami na ang nabubwisit sa style ng gobyerno ni PNoy dahil sa kaliwa’t kanang patayan ng media people.
Tuwing may pinapatay na journalist, nangangako ang Aquino administration na pagtutuunan ng pansin ang media killings.
Pero lip service lang ang nakikita natin dahil sa totoo lang, para masabi lang na sila’y nagtatrabaho ay mangangako na reresolbahin ang patayan.
At dahil maiinit na pinag-uusapan ngayon ang pagpaslang kay Rubylita, entra kaagad ang Palasyo, nangakong magkakaroon ng hustisya ang lady reporter.
This time, sana naman ay totohanin na ng administrasyong Aquino ang pagharap sa lumalalang media killings sa bansa.
Baka hindi alam ni Pangulong Noynoy na sa kanyang liderato ay record-breaking ang bilang ng mga pinatay ng mamamahayag kung ikukumpara sa mga nakaraang administrasyon.
May halos tatlong taon pa ang Aquino leadership, at kung sila’y ‘di kikilos baka madoble ang bilang ng pinapatay na journalists.
Nakalulungkot isipin na napakaraming namatay sa administrasyong Aquino na pinapaniwalaan pa namang hitik sa demokrasya.
Imbes na mabura ang media killings na ating inasahan ay naging mistulang killing fields ang Pinas ng mamamahayag.
Dahil sa nangyayaring ito, ‘di natin maiwasan na mag-speculate na baka mahina ang liderato at administrasyon ni Aquino.
Mahina ang administrasyon ni PNoy in the sense na wala itong naresolbang insidente ng media killing dahil inutil ang kanyang mga itinalagang puno ng mga ahensya na tututok laban sa krimen, tulad ng PNP.
Kailangan sigurong mag-isip ni PNoy. Maiksi na lamang ang mahigit dalawang taon para ipakitang ‘di nagkamali ang mga sumuporta sa kanya para maluklok sa Palasyo.
Huwag lang sana lip service. Para matuwa naman si Mang Juan, huwag lang ngumawa kundi gumawa naman kayo.
Hulihin n’yo ang mga pumaslang kay Rubylita.
Sige, kayo rin.
The post 20 MEDIA KILLINGS SA PNOY ADMIN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment