Wednesday, April 9, 2014

MAY ‘LUTO’ BA SA LOTTO?

sa kantot sulok CONGRATS sa nag-iisang winner ng Grand Lotto. Ang suwerte-suwerte naman ng taong ito dahil literal na siyang maliligo sa limpak-limpak na pera—halos P250 milyon.


Kaya sorry na lang sa mga kababayan kong nangarap na tamaan ang winning combination ng Lotto 6/55.


Baka hindi pa ninyo suwerte. Better luck next time, ika nga. Makipagbalyahan uli sa pila.


Tumataya rin tayo sa lotto paminsan-minsan. Baka makasapol din ng suwerte. Kasi’y naniniwala ako sa kasabihang bilog ang bola.


Pero ako po’y halos mawalan na ng gana sa pagtaya. Hindi po dahil sa tayo ay hindi makatama-tama.


Iyo’y dahil sa simula’t sapul na mauso ang lotto sa Pilipinas, wala pang inilalantad ang PCSO na taong aktuwal na tumama, kahit na anino man lamang.


Kung hindi OFW, magbabalot, taxi driver, labandera, tubero, sabungero, lasenggo, etcetera ang sinasabi ng PCSO na tumama sa lotto. Wala bang politiko?


Kung hindi tatlo o dalawa, may isang lone winner na idinedeklara ang ahensya sa ganito at ganireng lugar.


Pero sa totoo lang, wala silang inilalantad na taong nanalo.


Ang katwiran ng PCSO, baka ma-kidnap daw, baka pagkaguluhan, dumugin at hingan ng balato at maging dahilan ng agad niyang paghihirap.


Ngunit ang pinakapangunahing dahilan ng PCSO, baka targetin ng kidnapper ang lotto winner kung ipakikita sa madla.


Wala ba talagang tiwala ang ahensya sa kakayahan ng PNP o wala naman talagang tumatama?


Ang tanong na mayroon nga bang nananalo sa lotto ay matagal nang itinatanong ng marami, lalo ng mga laging tinatamaan ng malas…gaya ko.


Ang masaklap pang tanong, ang lotto ay ginagamit daw na fund raising ng administrasyon kapag malapit na ang eleksyon.


May nananalo nga ba sa lotto? Ang sabi ng PCSO, walang daya sa lotto dahil kitang-kita naman natin sa telebisyon kung paano ito bolahin.


Eh, bakit sa Amerika ay naihaharap kung sino ang mga tumatama sa lotto?


Bakit hindi puwede sa Pinas?


Wala bang nagbabalak sa Senado para magsiyasat? Malay niya, bigla siyang manalo sa lotto.


‘Yun bang kagaya ni noo’y NBI director Alfredo Lim na biglang nanalo ng P5 milyon sa sweeptakes sa gitna ng ginagawa niyang imbestigasyon dito.


The post MAY ‘LUTO’ BA SA LOTTO? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAY ‘LUTO’ BA SA LOTTO?


No comments:

Post a Comment