Thursday, October 2, 2014

Typhoon Phanfone, nakapasok na sa Phl territory

PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Phanfone o “Neneng”.


Ayon sa ulat ni PAGASA forecaster Meno Mendoza, ang ibang bahagi ng naturang bagyo ay nasa loob na ng PAR ngunit inaasahang tuluyan itong makatatawid mamayang tanghali at bibigyan ng local name na typhoon “Neneng” na magiging ika-14 na bagyo sa taong 2014.


Huli itong namataan sa layong 1,514 km Silangan ng Extreme Northern Luzon.


Taglay na ng naturang bagyo ang lakas ng hangin na 175 kph at pagbugsong 210 kph.


Kumikilos ito nang pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.


Maliban sa malakas na bagyong ito, umiiral din ang intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Mindanao.


Ang Luzon at Visayas naman ay posibleng makaranas ng maulap na papawirin at lantad sa thunderstorm o biglaang malakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Typhoon Phanfone, nakapasok na sa Phl territory


No comments:

Post a Comment