NAKALISTA halos ang double-double performance ni Earl Scottie Thompson bawat laro para sa Perpetual at kapag medyo mainit ay puwedeng ipinta ang triple-double.
Kakaiba ang dating ni Thompson kapag sumasayad na ang kanyang mga paa sa basketball court at pati ang mga crowd ay napapaangat kapag tumitira ito upang balikatin ang panalo ng Altas.
Sa huling dalawang laro ng Altas inangat ng Digos native Thompson ang Perpetual sa dalawang must-win victories, una kontra College of St. Benilde Blazers kasunod ang San Sebastian Stags.
Dahil sa ipinakitang tikas hindi nagdalawang isip ang grupo ng mga sportswriters na igawad kay Thompson ang NCAA Press Corps Accel Quantum-3XVI Player of the Week citation.
Laban sa Blazers kumana ang frontrunner ng NCAA MVP award ng 20 points, 12 rebounds at eight assists.
Muling nangalabaw ang binansagang The Pearl nang talunin nila ang San Sebastian.
Halos mag-isang hinabol ni Thompson ang 47-33 pagkaiwan ng Altas sa third period ng ilista nito ang 23 sa kanyang 29 points sa second half para kumpletuhan ang come-from-behind win at makasiguro ng playoff ang perpetual para sa isa sa dalawang natitirang semifinals slots.
“Di ko iniisip ang MVP or kahit anong personal. Iniisip ko lang kung paano ako makakatulog sa team ko, ginagawa ko lang lahat talaga para makapasok kami sa final four,” ani Thompson.
Wala namang masabi si coach Aric del Rosario sa ipinakikitang laro ni Thompson.
“Wala na akong masasabi sa kanya. Biruin mo, halos binitbit niya kami e. Makikita mo talaga na ayaw niyang magpatalo,” wika ni del Rosario.
May average si Thompson na 17.3 points, 11.3 rebounds, 5.7 assists, 1.6 steals at isang block.
Inungusan nito sa nasabing weekly citation sina teammates Harold Arboleda at Juneric Baloria, Dioncee Holts ng Arellano at Ford Ruaya ng Letran sa weekly award na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol and Mighty Mom Dishwashing. Elech Dawa
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment