Tuesday, October 7, 2014

Taxi sumalpok sa truck, driver sugatan

SUGATAN ang isang taxi driver matapos sumalpok ang minamanehong taxi sa likuran ng isang nakahintong truck kaninang madaling-araw sa Maynila.


Sa ngayon ay hindi pa makausap ang biktima na isinugod sa malapit na ospital dahil sa tinamong pinsala sa kanyang ulo.


Nabatid na pasado alas-4 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Jones Bridge sa Maynila habang nakahinto ang isang truck na nagkakabit umano ng close circuit television (CCTV).


Sa report, inamin ng biktima nakaidlip ito at walang suot na seatbelt habang nagmamaneho kaya hindi niya napansin na may sumesenyas sa mga dumaraan sa lugar.


Bahagyang naipit ang biktima at basag din ang windshield ng taxi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Taxi sumalpok sa truck, driver sugatan


No comments:

Post a Comment