KILALA na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nanghagis ng granada sa Manila Police District (MPD) – Police Station 1 .
Ayon kay P/Supt Raymond Liguden, hepe ng district intelligence division ng MPD, ito’y kaugnay sa patuloy na surveillance at information gathering laban sa mga suspek.
Gayunman, hindi pa pinangangalanan ang nasaabing mga suspek ngunit tiniyak ni Liguden na hindi magtatagal at maaaresto na ang mga ito.
Ayon pa kay Liguden, sangkot din sa serye ng robbery/holdap ang mga suspek bukod pa sa pagbebenta umano ng iligal na droga.
Sa mahigit walong daang barangay sa Maynila, ito aniya ay infiltrated na kaugnay ng kasong drug pushing.
Ang pahayag ni Liguden ay kasunod ng isinagawang Oplan Galugad kagabi sa Bgy. Aroma, temporary housing sa kahabaan ng Rd. 10, Tondo, Maynila kung saan 12 katao ang naaresto. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment