Wednesday, October 1, 2014

Rollback sa LPG kasado ngayong araw

IKINASA ng Petron ang bawas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) kaninang madaling-araw.


Ayon sa gas dealer, epektibo ang kanilang bawas-presyo alas-12:01 ng madaling-araw.


Matatapyasan ng P0.50 kada kilo o P5.50 kada 11-kg tangke ang halaga ng Gasul at Fiesta Gas.


Aabot naman sa P0.28 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng AutoLPG ng nasabi pa ring kumpanya.


Ang rollback ay bunga umano ng mababang halaga ng kanilang raw material mula sa pandaigdigang merkado. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rollback sa LPG kasado ngayong araw


No comments:

Post a Comment