SIYAM sa 10 Pinoy ang ayaw na maragdagan pa ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino.
‘Yan, parekoy, ang resulta nang tinanong ko aking mga nakasasalubong kung papayag ba sila na dugtungan ng isa pang termino si PNoy.
Katunayan, ngayon pa nga lang ay gusto na nilang palayasin ito sa Palasyo! Ngek!
Ang masaklap, parekoy, ‘yung nag-iisang tao na pumayag sa isa pang termino ni PNoy ay napag-alaman natin na sira-ulo pala! Hak, hak, hak!
Kung pagbabasehan naman ang survey na isinagawa ng ilang respetadong “survey firm” ay lumalabas na 6 sa bawat 10 Pinoy ang ayaw na tumagal pa sa puwesto itong tiyuhin ni Joshua, na anak ni Kris sa naging asawa noon na si Philip Salvador. Ang lalaki na iniulat na nauna pa kay James Yap, ngunit huli naman kina Orbos, Alvin Patrimonio, Joey Marquez, Robin Padilla, etcetera! Ehek!
Balikan natin, parekoy, itong niluluto ng mga kaalyado ni PNoy na isa pa o karagdagang termino.
Huwag na nating pag-usapan kung gaano na karaming salot ang bumalot sa Pinas simula nang maluklok sa Palasyo itong dating darling ni Korina na asawa naman ngayon ni Mar.
Huwag na rin nating pag-usapan ang sandamakmak na pera ng DAP na hinarbat ng mga hijo de-putang kaalyado ni PNoy simula nang magkulay-dilaw ang Malakanyang.
Pagtuunan na lang natin, parekoy, ng pansin ang sinasabi ng kanyang mga tagangakngak na kinukuha pa umano ni PNoy ang pulso ng mamamayan hinggil sa isyung ito.
King-ina! Hindi ba’t maliwanag na ang ating Saligang Batas ay aprubado sa nakararaming Filipino?
Oh, eh, ‘di ba klarado sa Saligang Batas na hanggang isang termino lang ang Pangulo?
Anong pulso pa ng taumbayan ang pinagsasabi ng mga animal na ito? Hmmp!
-o0o-
Kahit anong reklamo ng mga taga-Cainta sa naglipanang video-karera (vk) ni Junie ay hindi pa rin ito natitinag.
Patuloy raw na nagbibingi-bingihan sina Cainta Mayor Kit Nieto at Supt. Cosme Abrenica sa talamak na operasyon nito.
Dahil d’yan ay marami na ang nagdududa na may katotohanan nga ang ipinangangalandakan ni Junie na “front” lamang siya ng nasabing iligal na gawain.
Dahil ang tunay aniya na may-ari nito ay “pader” sa Cainta.
Wow ha!
Kung ang ibig ipakahulugan nitong si Junie sa salitang pader ay matatag o poderosong tao o opisyal sa Cainta, aba, eh tumbok na nga.
Na kung hindi si mayor ay si tsip!
Bakit nga ba nagbibingi-bingihan sina Mayor Nieto at Col. Abrenica? BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment