Thursday, October 2, 2014

P200k nakulimbat sa money transfer sa Cagayan

NAGSASAGAWA na ng imbetigasyon ang mga awtoridad sa nangyaring nakawan sa isang money transfer sa Tuao, Cagayan na pagmamay-ari ni Nido Perez.


Sa paunang pagsisiyasat ng PNP Tuao, isinara ng mga empleyado ang nasabing establisyimento bago sila umalis noong Setyembre 30.


Nagulat na lamang ang isang emplyeado na si Noemi Companero, 28, nang makita niyang nagkalat ang mga papel nang buksan niya ang stall.


Nadiskubreng natangay ng mga kawatan ang P231,000.00 na nasa ibabaw lang umano ng lamesa na para sa mga costumer ng nasabing money transfer.


Ayon sa mga empleyado, nakalimutan nilang ilagay sa safety vault ang nasabing pera bago sila umalis.


Nakuha naman ng imbestigador sa kaso ang listahan ng mga costumer na tatanggap sana ng pera.


Nakita sa establisyimento ang nasirang kahoy na papag at bubong ng unang palapag ng kung saan nakapasok ang mga magnanakaw. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



P200k nakulimbat sa money transfer sa Cagayan


No comments:

Post a Comment