HALOS hindi makapaniwala ang Far Eastern University (FEU) nang talunin sa napakakrusyal na laban ang De La Salle University (DLSU) matapos ang three ponit shoot na nagdala sa kanila sa finals sa laban kanina sa 77th Season ng UAAP.
Bumida ang forward na Mac belo ng Tamaraws matapos maipasok ang buzzer beating na three point shot sa corner upang tapusin ang laro sa 67-64 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Ang National University (NU) Bulldogs ang makakaharap ng FEU sa finals sa Sabado.
Una rito sa 24 segundo ay tabla ang score sa 64, at ang set play sana ng laro ng FEU ay para kay Mike Tolomia na siyang may hawak ng bola.
Sa halos siyam na segundo ay nag-drive ito, pero hinarang siya ng dalawang defenders ng DLSU.
Dito na ipinasa ni Tolomia ang bola para naman sa walang bantay na si Mac.
Nagtapos si Belo ng 23 points at eight rebounds, kung saan ang 12 puntos sa last 16 points ng team ay nagmula sa kanya.
Ang Ateneo at La Salle naman ang maghaharap para sa agawan sa third place. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment