Wednesday, October 1, 2014

MRTC, DOTC, iwas-pusoy sa aberya sa MRT

NAGTUTURUAN ang pamunuan ng Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa isinagawang pagdinig ng senado hinggil sa mga problemang kinasasangkutan ng Metro Rail Transit (MRT-3).


Ilan sa mga usaping tinalakay sa naturang pagdinig ay ang kontrobersyal na pagpapalit ng maintenance provider ng MRT-3 mula sa dating kontraktor nitong Sumitomo hanggang sa kasalukuyang provider nitong PH Trams at CB&T Joint Ventures.


Sa panig ng MRTC, sinabi ni Robert John Sobrepenia na hindi dumaan sa public bidding ang ginawang pag-aaward ng kontrata sa PH Trams dahil itinalaga ito ng DOTC. Bagay na pinabulaanan naman ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa harap ni senador Grace Poe.


Sunud-sunod na paninisi ang natanggap ng DOTC hinggil sa mga problemang kinahaharap ng MRT-3.


Sa ginawang pagdinig ng senado, sinabi ni Robert John Sobrepenia ng MRT Corporation na binalewala sila ng DOTC nang ilarga nito ang planong pagbili ng mga bagong bagon ng tren.


Binigyang-diin ni Sobrepenia na dapat ipinaaalam sa kanila ng DOTC ang anomang plano bago ito isulong upang matiyak na aakma ito sa kanilang sistema.


Ito ang dahilan kaya’t napilitan silang maghain ng reklamo sa korte at pigilan ang pagbili ng mga bagong bagon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



MRTC, DOTC, iwas-pusoy sa aberya sa MRT


No comments:

Post a Comment