Tuesday, October 28, 2014

May polio nanghalay, kulong

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Isang lalaking may polio ang inaresto matapos gahasahin ang 13-anyos na pamangkin sa Bgy. Abanon, San Carlos sa nasabing lalawigan kahapon, Oktober 27.


Kinilala ng San Carlos police ang suspek na si Victor Grego, 39, ng nasabing bayan.


Sa inisyal na imbestigasyon, ang panggagahasa ng suspek sa biktimang si Arlene (hindi tunay na pangalan) ay nangyari nang umalis ang kanyang tiyahin para magsimba.


“Pinagkatiwala nga dahil ‘yung suspek natin may kapansanan, may polio ‘yung isang paa niya. Kaya hindi nila inaasahan na magagawa niya ‘yun,” ani Chief Inspector Gregorio Abungan, deputy chief ng San Carlos City police.


Napansin ng mga kaanak ng biktima na walang ganang kumain ang biktima at noong tinanong siya kung bakit, doon niya sinabi ang ginawa ng suspek sa kanya.


Sinabi pa ng biktima na pinagbantaan din ng suspek na papatayin siya oras na magsumbong ito.


“Dahil tinuturing namin siyang pamilya, baboy siya, kaya gusto ko siyang makulong at hindi makalabas ng kulungan,” saad ng ina ng biktima.


Samantala, inamin ng suspek ang krimen at siya’y nakakulong na sa San Carlos police detention cell at kasong rape at child abuse ang ipinataw sa kanya. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



May polio nanghalay, kulong


No comments:

Post a Comment