NAGPASYA ang pamunuan ng University of Sto. Tomas (UST) na magsuspinde ng klase simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 upang bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga estudyante, mga guro at mga empleyado ng mas mahabang panahon para gunitain ang Undas.
Ang anunsyo ng UST ay kasunod ng pahayag ng Malacañang na walang long weekend na aasahan ang mga Pinoy dahil hindi ikinukonsiderang holiday ang Oktubre 31, Biyernes.
Ang All Saints’ Day, Nobyembre 1, ay natapat ng Sabado habang ang All Souls’ Day, Nobyembre 2, naman ay natapat ng Linggo.
“In order to allow the Thomasian community to spend more time with their families and loved ones in the observance of the traditional UNDAS (All Saints’ Day and All Souls’ Day) on 1-2 November 2014, there will be no classes from October 30 to November 3, 2014,” bahagi ng anunsyo ng UST sa Facebook page nito.
Magbabalik ang regular na klase sa unibersidad sa Noyembre 4.
Inaasahang maraming Pinoy ang magsisiuwian sa mga probinsya simula sa Biyernes upang madalaw ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment