Sunday, October 26, 2014

Austria nakaisa kay Cone

UMISA si coach Leo Austria kay grand slam coach Tim Cone matapos payukuin ng San Miguel Beer ang Purefoods Star, 87-80 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Kumana si reigning Most Valuable Player (MVP) Jun Mar Fajardo 22 points, 15 rebounds at six blocks upang igiya ang Beermen sa kanilang ikalawang sunod na panalo at isalo sa tuktok ng team standings kasama ang ka-kuwadrang Barangay Ginebra Gin Kings.


Pininta naman ng GobalPort Batang Pier ang unang panalo sa dalawang laro ng kaldagin nila ang Barako Bull, 91-81 sa unang laro.


Naupos sa bandang huli ang Batang Pier kaya natalo sila noong Martes sa NLEX, 96-101.


Humarabas ng 19-point lead ang SMB sa third canto pero tinapyasan ito ng Star Hotshots sa apat na puntos, 80-76 may 3:21 minuto na lang sa fourth period.


Nalasap naman ng defending champion Purefoods ang pangalawang sunod na kabiguan. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Austria nakaisa kay Cone


No comments:

Post a Comment