Wednesday, October 8, 2014

Asawa, anak ni PNP chief sasalang din sa lifestyle check

MALIBAN kay PNP Chief Police Director General Alan Purisima, isasalang din sa lifestyle check ang iba pang miyembro ng pamilya Purisima kabilang na rito ang kanyang maybahay.


Ito’y kaugnay sa kontrobersyal na four-hectare real estate property ng pamilya Purisima sa Bgy. Magpapalayok, Nueva Ecija.


Mahigpit na bubusisiin ng Ombudsman ang income o kinikita ng pamilya Purisima at kung naaayon sa kanilang ari-arian.


Ayon kay Deputy Ombudsman for military and other law enforcement office (MOLEO) Cyril Ramos, nakatutok ang lifestyle check sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite ni PNP chief.


Susurin ding mabuti ng Ombudsman ang assets at income ng iba pang miyembro ng pamilya Purisima upang matukoy ang ligal na kinikita ng pamilya.


Batay sa isinumiteng SALN ni Purisima, kasal siya kay Ma. Ramona Lydia Purisima at may apat silang anak na lalaki.


Bukod dito, ang kanyang total assets ay umabot sa P17.264-million habang ang kanyang liabilities ay umabot sa P10.7-million na ang kanyang total networth ay nasa P6.563-million.


Nilinaw naman ng Ombudsman na ibang klase ang lifestyle check na kanilang isasagawa kumpara sa gagawin ng DILG.


Sa kabilang dako, wala umanong deadline sa isasagawang lifestyle check at sa pag-review ng kasong plunder na inihain laban kay PNP chief. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Asawa, anak ni PNP chief sasalang din sa lifestyle check


No comments:

Post a Comment