Wednesday, August 27, 2014

UPDATE: Misis ni Enzo Pastor, suspek na rin

ITINUTURING na rin ng Quezon City Police District (QCPD) na suspek ang maybahay ng international race car champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor.


Sinabi ni QCPD-CIDU chief Major Rodel Marcelo, na batay sa mga ebidensya na kanilang nakalap, maituturing na ring suspek si Dalia Pastor, asawa ni Enzo.


Aniya, batay sa kanilang imbestigasyon, napag-alamang ‘love triangle’ ang motibo sa pagpatay sa biktima.


Nabatid na may relasyon umano si Dalia at ang naarestong negosyante na nakilalang si Domingo “Sandy” de Guzman na umano’y mastermind sa pagpatay kay Pastor.


Dagdag pa ni Marcelo, hinahanap na ngayon ng PNP si Dalia para isailallim sa masusing interogasyon. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Misis ni Enzo Pastor, suspek na rin


No comments:

Post a Comment