BINMALEY, PANGASINAN – Basag ang bungo ng isang 31-anyos na tricycle driver matapos masagasaan ng rumaragasang bus sa bayan ng Binmaley, sa nasabing lalawigan, kahapon ng hapon, August 24.
Dead-on-the spot ang biktimang si Raymundo Laureano, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng Binmaley police, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng MacArthur Highway, Barangay Poblacion, lulan ng kanyang tricycle ng makasalubong niya ang isang rumaragasang bus na minamaneho ni Camilo Capucao, ng Barangay Luna, Bolinao.
Sa sobrang bilis ng bus, sinuwag niya ang tricycle at tumilapon ito ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.
Tumama sa semento ang ulo ng biktima sanhi ng magkabasang ng bungo nito na siyang ikinamatay.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na nakakulong sa local detention cell. Allan Bergonia
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment