PABOR ang isang solon sa panukala ng kapwa nito mambabatas na panagutin ang sinomang opisyal ng pamahalaan na hindi magpapatupad ng mga aprubadong proyekto para lamang madeklarang ‘savings’ ang pondong inilaan ng Kongreso.
Sa isang press briefing ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes, hindi nito tinutulan ang konsepto ng panukala, pero kailangan aniyang busisiing mabuti ang mga proyekto at saan ilalaan ang nasabing savings.
iginiit pa ng solon na may mga ilang proyekto na talagang hindi naitutuloy dahil hindi naman kailangan ang project o may bahid ng katiwalian ang kontrata nito.
Partikular na tinukoy nito ang NBN-ZTE deal ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo na tuluyan ng hindi itinuloy dahil sa natuklasang anomalya sa kontrata. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment