INILARGA na ng Philippine National Police (PNP) ang heightened alert ngayon para sa nakakasang protesta at signature drive kontra pork barrel ngayong Lunes sa Luneta.
Ayon kay PNP PIO Chief Reuben Theodore Sindac, ipinag-utos na ni PNP Chief Alan Purisima ang pagtiyak sa seguridad sa mga pagkilos sa bansa ngayong Araw ng mga Bayani.
Inatasan na ang NCRPO na magkaroon ng security coverage, public safety services, traffic management at iba pang contingency measures.
Ipinag-utos na rin ni NCRPO Regional Director Carmelo Valmoria ang pagbuo ng Task Force Manila Shield na tututok sa event. Bubuuin ito ng 20% ng kanilang pwersa.
Nananawagan naman si Sindac sa mga makikiisa na panatilihing mapayapa ang pagpapahayag ng damdamin. Tiniyak naman nito ang pagpapatupad ng “maximum tolerance” sa protesta.
Sinabi naman ni Sindac na wala naman silang natatanggap na malaking banta o kaguluhan na mangyayari. Bagama’t tiniyak nito ang kanilang regular na pagpapatrulya sa lugar para hindi makapagsamantala ang masasamang loob.
Sa harap man ng libo-libong inaasahang dadalo sa Luneta, hindi na aniya nangangailangan ng dagdag-pwersa mula sa hanay ng militar para sa kaganapan sa Luneta. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment