KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng mga bagitong pulis na rumesponde sa isang pot session umano sa drugden na matatagpuan sa Sito Ubos, Brgy. Poblacion, Tagbilaran, Bohol.
Ayon kay Bohol Provincial Police Office-information officer P/Supt. Pacifico Yape, Jr., napatay ang isang pulis at kritikal naman ang tatlo nitong kasamahan.
Kinilala ang napatay na si PO1 June Michael Ejoc at kritikal naman sina PO1 Renan Tagotongan, PO1 Judito Jasmin at PO1 Carlito Gamalo.
Ayon pa kay Yape, rumesponde ang apat na pulis sa lugar ngunit pagdating doon ay bigla na lang silang pinaulanan ng bala.
Mabilis umanong tumakbo ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo na ginawang getaway vehicle.
Paglipas ng ilang minuto, dumating ang ibang pulis at nadatnan sa crime scene ang apat na pulis na duguang nakahandusay.
Agad dinala ang apat na pulis sa ospital ngunit nabawian ng buhay si PO1 Ejoc.
Narekober ng mga otoridad sa area ang mga basyo ng bala mula sa .45 caliber pistol at patuloy pang pinaghahanap ang sinasabing subject sa operasyon na si alyas Bigeon Tari. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment