SUMIRIT ang presyo ng imported frozen foods at ilang biskwit dahil pa rin sa problema sa pagsikip ng mga daungan.
Ayon kay Steven Cua, Pangulo ng PAGASA o Philippine Amalgamated Groceries and Supermarkets Association, tumaas ng dalawa hanggang sampung piso ang kada pakete ng imported frozen goods tulad ng meatballs at siomai mula sa Taiwan, China at maging ang imported biscuits mula sa Malaysia at Indonesia.
Sinabi ni Cua na hindi na nila kayang panatilihin ang presyo ng imported frozen food products na inaangkat at dumadaan sa ilang daungan.
Kasabay nito, hinimok ni Cua ang consumers na bumili na lamang ng murang brand ng frozen foods. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment