Thursday, August 21, 2014

Paninigarilyo, bawal na sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque

IPINATUPAD na ang Municipal Ordinance No. 86-S2014 o Smoke-free environment Municipality na nagbabawal ang paninigarilyo sa buong bayan ng Sta. Cruz, Marinduque, gayundin ang pagbebenta ng sigarilyo malapit sa eskwelahan, pampublikong playground o iba pang lugar na madalas pasyalan ng mga menor-de-edad.


Batay sa ordinansa, ang sinomang mahuhuli na nanigarilyo ay papatawan ng parusang “warning” sa 1st offense; pagbabayad ng P1,000 sa 2nd offense at P1,500 sa 3rd offense o pagkabilanggo ng tatlong araw gayunman kung wala itong kakayahang magbayad ay sasailalim sa community service.


Ayon kay Dr. Rodolfo Tejano, Municipal Health Officer, ipinakalat sa buong bayan ang mga enforcers upang masiguro na mahigpit na maipapatupad ang nasabing ordinansa.


Paliwanag ni Tejano, nabuo ang nasabing ordinansa sa bayan kung saan natuklasan na manguna ang bayan ng Sta. Cruz sa mortality rate na may kaugnayan sa paninigarilyo.


Sinabi naman ni Marinduque Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr. na huwag nang subukan o simulang manigarilyo dahil ‘pag naging bisyo na ito ay mahirap nang iwasan.


Paliwanag ni Bacorro, alam niya ang magiging resulta dahil isa siyang doktor.


Ang nabanggit na ordinansa ay ipinanukala ni Municipal Councilor Alejandro Palamos na siya ring Chairman ng Health at suportado ng DOH-MIMAROPA sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Eduardo C. Janairo. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Paninigarilyo, bawal na sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque


No comments:

Post a Comment