INABUTAN na ng kamatayan sa loob ng barangay hall ang isang lolo na naghahanap ng kanyang mga kamag-anak sa Sampaloc, Maynila.
Inilarawan ang biktima na nasa 70-75-anyos, may katabaan, nakasuot ng sleeveless na sando, itim na pantalon at naka-tsinelas.
Sa report, 6:30 kagabi nang matagpuan ang walang buhay na biktima na nakahiga sa isang mahabang bangko ni Barangay Kagawad Cherie Bengao, ng Barangay 497 Zone 49.
Napag-alaman na dumating sa barangay ang biktima at humingi ng tulong para hanapin ang kanyang mga kamag-anak na taga-Kundiman St.
Gayunman, nabigo ang mga taga Barangay na mahanap sa nabanggit na lugar ang mga sinasabing kamag-anak ng biktima kaya ipinasya nila na patulugin na lamang sa barangay ang matanda.
Subalit makalipas lamang ng ilang oras ay napansin nila na hindi na kumikilos ang matanda. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment