Wednesday, August 27, 2014

Lalaki sa Cebu, tepok sa meningococcemia

POSITIBO sa meningococcemia ang isang lalaki na namatay sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC).


Ayon kay RESU-7 head Renan Cimafranca, lumabas sa eksaminasyon na isinagawa sa biktima bago ito mamatay na positibo ito sa naturang sakit.


Napag-alaman na ang biktima ay dinala sa VSMMC matapos ang ilang araw na pagka-confine sa Danao Provincial Hospital ngunit hindi pa rin ito gumagaling hanggang sa nakitaan na ng sintomas sa meningococcemia.


Isang araw lamang itong nananatili sa VSMMC at binawian din ng buhay.


Agad namang ipanalibing ang bangkay ng biktima upang hindi na makahawa sa iba.


Samantala, binigyan na rin ng profilaxis vaccine ang mga huling taong nakasalamuha nito kasama na rin ang mga sepulterero.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Health (DoH) sa kanila.


Ipinahayag rin ni Cimafranca na matatapos ang kanilang monitoring sa mga binigyan ng vaccine makalipas ang isang linggo.


Sa ngayon ay hindi pa kumpiyansa ang DOH-7 na ligtas ang mga ito sa meningococcemia, ngunit ipinapasalamat ng DoH na hindi nakikitaan ng sintomas ang mga ito.


Ipinaliwanag ni Cimafranca na ang meningoccemia ay isang bacteria na kailangan ng masusing monitoring sapagkat kung mapabayaan ay maaaring mamatay ang biktima sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na araw.


Napag-alaman na ito ang unang positibong kaso ng meningococcemia sa Rehiyon-7 at ang ibang report na natanggap ng DoH-7 ay pawang mga suspected cases lamang. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaki sa Cebu, tepok sa meningococcemia


No comments:

Post a Comment