CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, Malolos, Bulacan- Natagpuan na ng mga rescuer ang labi ni Bulacan State University Tourism Student Maico Eleva I. Bartolome, kaninang umaga.
Sa ulat, alas-8 ng umaga kanina nang makita ng mga rescuer ang labi ni Bartolome na nakaipit sa bato sa ilalim ng ilog na tinatayang may lalim na humigit kumulang 15 talampakan.
Ang labi ni Bartolome, kilala ring miyembro ng EB Babes dancers, ang pinakahuling narekober ng mga awtoridad matapos malunod kasama ang anim pang kapwa estudyante sa biglang pagtaas ng tubig sa Madlum Cave, Barangay Sibul, San Miguel, Bulacan, alas-3 ng hapon nitong Agosto 19, 2014.
Sinisisi naman ng mga kaanak ng biktima ang pamunuan ng Bulacan State University sa pagkamatay ng mga estudyante dahil walang “safety measures” na ipinatupad sa naturang fieldtrip sa kabila ng marami nang naulat na namatay sa naturang lugar.
Tanging tatlong guro lamang din ang sumama sa fieldtrip sa kabila ng 181 ang estudyanteng kasama rito. Jun Acot
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment