PATAY ang isang konsehal nang tambangan ng dalawang sakay ng motorsiklo sa Barangay Bagocboc, Opol, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktima na si Cecilio “Anggong” Abuhan, ng nasabing bayan.
Nabatid na pauwi na ang biktima nang barilin ng mga suspek gamit ang kalibre .45 at 9mm pistol.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na posibleng may kinalaman sa krimen ang pagkakasangkot ng biktima sa illegal mining.
Si Abuhan ay dating naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa pagkakaroon ng sangkaterbang mga baril na walang kaukulang dokumento. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment